Wednesday, March 30, 2011

Second Critical Commentary - Post-Colonial

Ang Post-Colonial theory ay isang masusing dalumat na nagbibigay ng malawak na pagunawa laban sa kolonyalismo. Ito ay isang paraan para maipakita at mabigyang halaga ang karapatan ng isang indibidwal. Maari ding malarawan at mabigyan ng halaga ang pagkakaiba ng bawat tao bagamat tayo ay masasabing isang nasyon. Mahalaga ang pagbigay ng importansya sa mga karakter at kultura na natatangi sa isang tao dahil mula ditto, mauungkat ang kanyang pinagmulan at maari itong maging daan upang mahanap ng isang tao ang kanyang kultura at tunay na pinagmulan.. 

Layon ng dalumat na ito na makita ang mga kamalian at mga naiwang negatibong epekto ng kolonyalismo sa mga nasakop na bansa. Bilang magaaral ng pulitika, masasabi kong ito ay isang malaking ideya na naguudyok sa bawat tao na balikan ang kulturang sariling atin at mabigyan importansya ang mga tradisyon na sinimulan ng ating mga ninuno. Ang pagaaral ng mga kamalian at negatibong epekto ng kolonyalismo ay isang malaking hakbang upang mahanap natin ang tunay na kultura na mayroon tayo. Ang impluwensya na iniwan ng mga mananakop noon ay nanatiling nakaugat sa atin at ito ay nagiging hadlang sa paghahanap ng ating sariling kultura.  

No comments:

Post a Comment