Wednesday, March 30, 2011

Third Critical Commentary - Indigenous Filipino

SIKOLOHIYANG PILIPINO



Ang Sikolohiyang Pilipino ay nagbibigay ng isang malawak na pagtingin at importansya sa kulturang ating pinagmulan. Ito ay isang kapakipakinabang na pagsasalaysay bilang Pilipino dahil layunin nito na ibalik ang kultura, tradisyon at kaugalian na ginamit ng ating mga ninuno noon pa man. Ito din ay isang paraan upang mahanap natin ang ugat ng ating kasaysayan bago pa ang pagdating ng mga mananakop. Noon pa man ay nahubog na ng ating mga ninuno ang kultura ng Pilipino at bilang parte ng nasyong ito, ito ay isang tungkulin at responsibilidad sa ating bayan at kapwa. Ang pagbabalik ng ating kultura at pagbibigay importansya sa atin pinagmulan ay isang malaking hakbang upang tayo ay magkaisa sa paglaya sa impluwensyang iniwan ng mga mananakop.


Naniniwala ako sa mga layunin ng Sikolohiyang Pilipino dahil ito ay tumutulong sa bawat mamamayan upang magkaisa sa pagsaliksik sa mga karanasan na dinaan ng mga Pilipino. Ito rin ay isang paraan upang magkaroon ang bawat isa ng malalim na pagunawa sa mga daan at desisyon na nagawa ng mga Pilipino noon. Bagamat maraming desisyon ang nagdulot ng negatibong epekto sa kasalukuyan, ito ay magsisilbing aral sa ating henerasyon upang magkaisa at magtulungan para sa ikakabuti ng ating bayan  at pagkakaisa ng bawat mamamayan.

No comments:

Post a Comment