Wednesday, March 30, 2011

Critical Analysis - Popular Cultural Text "Walang Natira" - Gloc 9


Napili ko ang kantang Walang Natira na kinanta ni Gloc 9 dahil ito ay nagpapakita ng tunay na kalagayan ng ating bansa. Naipakita sa kanta ang kalagayan ng mga Pilipino kung saan sila ay nangingibang bayan para magkaroon ng magandang buhay. Masasabing ang OFW phenomenon ay isang bahagi na ng ating kultura bilang Pilipino. Pero ano nga ba ang dahilan sa likod ng kulturang ito?

Aking nabasa ang libro na isinulat ni Carlos Bulosan na “America is in the Heart” na nagpapakita ng impluwensya na iniwan ng mga amerikano sa ating bansa. Tayo ay nahubog at napaniwala sa isang pangarap na tanging maabot lamang sa bansang “Amerika”. Ang sinasabing “American Dream” ay isang ideya na naitanim sa bawat Pilipino at ating nadala hanggang sa kasalukuyan.

Sa kantang “Walang Natira” ay hindi nabanggit ang salitang tumutukoy sa “Amerika” pero ito ay naging matagumpay sa pagpapakita ng isang ideya kung saan ang mga Pilipino ay nakikipagsapalaran sa paniniwala na mayroong magandang buhay sa mga bansang mauunlad. Nais din ipakita ng kanta ang tunay na kalagayan ng mga “OFW” na kung saan hindi lahat ay nagtatamasa ng magandang buhay sa mga kamay ng ibang tao. Ang ideyang “American Dream” para sa akin ay hindi tumutukoy sa bansang Amerika o sa ibang maunlad na bansa, ito ay isang ideya na tumutukoy sa kaisipan at kulturang naiiugat sa ating mga Pilipino. Ito ay isang ideya na nangangako ng isang isang magandang buhay, kaginhawaan, at higit sa lahat pera.

Isang reyalisasyon na naipakita ng kanta ay ang ideya ng “Brain Drain” kung saan ang bansa ay nauubusan ng mga taong may partikular na kakayanan na maaring magamit sa sariling bansa. Ito ay nakaugat at isang epekto din ng kultura ng “OFW”. Dahil sa “phenomenon” na ito ay nagkakaroon ng malaki at negatibong epekto hindi lamang sa aspeto ng ekonomiya at Pulitka ng ating bansa pati nadin sa negatibong epekto sa loob ng lipunan dahil sa paghihiwalay ng pamilya para maghanap-buhay sa ibang bansa.

Ang pangatlong mensahe ng kantang “Walang Natira” ay ang kasalukuyang kalagayan ng Pulitika at Pamamahala sa bansa. Naipakita din sa unang bahagi ng kanta ang pagaabuso at kasakiman ng mga pulitiko na nagpapatakbo sa ating bansa.

Sa huli, ang kanta ay nagnanais na maipakita ang OFW phenomenon na nangyayari sa ating bansa at ang isang kultura na nabuo noon pa man na nagsasalamin sa tunay na kalagayan ng ating lipunan, ekonomiya at paglalarawan sa tunay na kalagayan ng ating pamahalaan.    

Walang Natira – Gloc9

napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh
yung bayang sinilangan ang pangalan ay pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
ng anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh
mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta.
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy magiiba
kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila ahhh
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
lalayo upang magalaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko
napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira aahhh
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
nagaabroad sila aahh
gusto kong (yumaman5x)
napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira aahhh

Source: http://shareolyrics.com/2010/12/gloc-9-walang-natira-lyrics.html 

7 comments:

  1. Can I please copy your analysis , Needed for my homework po.
    Thank you! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I can't wait for your reply po , kasi kailangan na po bukas.
      But Thank you Very much! :)

      Delete
  2. Thank youπŸ˜ƒπŸ˜ƒπŸ˜ƒ

    ReplyDelete
  3. Thank you very informative πŸ‘

    ReplyDelete